Ang Muling Pagtibok ng Puso ni Juan dela Cruz (Maikling Kuwento)
Ang kalagayan ng ating bansa sa kontemporaryong panahon ay ang patuloy na pagtuligsa ng administrasyon sa katiwalian. Kung ating susuriing mabuti nandyan ang kaliwa't kanang pambabatikos sa mga kapulisan at sa mga taong lulong na sa droga. Ang operation tokhang na kung saan ang mga taong napagalamang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay sadyang pinaparusahan ng pagkakulong o di kaya naman ay sinisentensiyahan ng kamatayan sapagkat dahil sila'y nabigyan na ng babala ay patuloy pa rin ang paggamit nila ng ipinagbabawal na gamot. Nariyan din naman na ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ngunit muling bumalik sa tamang landas ng daan dahil sa tunay na pag-ibig, pag-ibig ng lumikha at pagibig ng kapwa.
"Sister, ano po ba ang napakalaking pagsubok na dumating sa inyong buhay?" tanong ng ginang na isa sa aking pinapangaralan. Ako'y biglang natahimik at natulala sapagkat aking naaalala ang sakit at pighati na dulot ng panahong nagdaan na. Isang lalaki ang lubos akong sinaktan at iniwan ngunit ang tanong sa aking sarili, bakit mahal ko pa rin sya? Masaya kaming magkasama noong kami ay nasa sekondarya pa. Halos ikumpara nga kami sa tuko sapagkat hindi kami mapaghiwalay ng iba. Ang sabi ko sa sarili ko, ang swerte ko naman kasi meron si Juan palagi sa tabi ko, nagpapasaya kapag malungkot ako, nakikinig sa mga problema ko at higit sa lahat laging nasa tabi ko upang damayan ako. Hindi ko na kasi nakilala ang mga magulang ko dahil naaksidente sila noong bata pa ako kaya si lola na lang ang nagpalaki at nagsilbing magulang ko. Masakit man na hindi ko nakilala ang mga magulang ko, masaya parin ako sapagkat may lola ako at may Juan akong nagmamahal ng sobra sa akin. Akala ko magtutuloy tuloy na ang saya ngunit dumating ang isang araw na pumanaw ang lola ko. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano na ako ngayon, kung saan ako titira at kung paano na ang pag-aaral ko. Hindi ako iniwan ni Juan kasama ang kanyang pamilya sa mga panahong nagluluksa ako. Hanggang sa dumating ang aking tita at sinabing sa bahay na lang niya ako titira. Parang ayokong sumama sa kadahilanang ayokong malalayo ako kay Juan na siyang meron na lang ako. Ngunit wala akong magagawa sapagkat hindi ko naman kakayaning tustusin ang pang-araw-araw kong pangangailangan at higit sa lahat ang pag-aaral ko. Masakit man ang loob kong malayo kay Juan ngunit kailangan. "Juan, sasama na ako kay tita pagkatapos ng libing ni lola. Magkakalayo na tayo", ang wika ko kay Juan. "Huwag kang mag-alala, meron naman tayong cellphone kaya magkakausap parin tayo araw-araw", ang sagot niya. "Promise?" "Oo naman. Mahal na mahal kita ee!" Hanggang sa dumating ang araw ng libing ng aking lola at ang aming pag-alis. Sa kauna-unahang pagkakataon, malalayo ako sa aking minamahal. Halos araw-araw ay nangungulila ako sa kanya. Lagi naman kami magkausap sa cellphone ngunit para bang may laging kulang. Dumaan ang araw at nakasanayan ko narin ang ganoong sitwasyon namin ni Juan. Nagdaan ang buwan at taon at kami ay nasa kolehiyo na. Patuloy parin ang aming komunikasyon ni Juan bagamat hindi na katulad ng dati na palagian dahil na rin sa dami ng ginagawa sa kolehiyo. Isang araw, tumawag siya at nagtataka ako kung bakit umiiyak siya ng sobra na halos hindi makapagsalita. "Mahal, ano bang nagyayari? Bakit ka umiiyak?" ang tanong ko sa kanya. "Mahal. Ang sakit pala ng ganito", sagot niya. "Ano bang nangyayari, mahal? Sagotin mo naman kasi ako", ang wika ko. "Mahal, wala na si Papa. Ang sakit sakit". Halos mabitawan ko ang aking telepono sa aking narinig. Sinubukan kong magpaalam kay tita na pumunta sa burol ng ama ni Juan ngunit ayaw nitong pumunta ako sapagkat maiiwan ko ang aking pag-aaral. "Tita, kahit dalawang araw lang po. Sige na po. Parang awa niyo na po." "Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Pagsusulit niyo na sa makalawa. Kung gusto mo, pagkatapos na lang ng pagsusulit mo." "Pero tita, ngayon po ako kailangan ni Juan." Tinalikuran lang ako ni tita kaya wala na akong magagawa kundi ang pumunta sa burol ng tatay ni Juan pagkatapos ng aming pagsusulit. Nang makarating ako sa bahay nila Juan, una ko siyang hinanap at agad ko naman itong nakita. Niyakap ko siya ng napakahigpit ngunit parang wala lang ito sa kanya. "Sorry mahal ngayon lang ako nakapunta at wala ako sa panahon na higit mo akong kailangan. Nagkataon kasi na may pagsusulit kami. Sorry mahal." Tinignan niya lang ako at hindi na sumagot na parang wala siyang ganang makipagusap. Kinabukasan ay libing na ng tatay ni Juan. Iyak ng iyak si Juan at maging ang kanyang ina. Hindi ako lumayo sa tabi ni Juan ngunit pakiramdam ko parang ang layo ko parin sa kanya. Pilit ko siyang iniintindi dahil alam kong sobrang sakit ang nararamdaman niya lalo pa't sobrang lapit niya sa kanyang ama at siya lang ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Ngayon ay parang aakuin niya ang responsibilidad bilang nag-iisang anak sapagkat hindi naman maaaring magtrabaho ang kanyang ina dahil sa sakit nito sa puso. Pagkatapos ng libing ay nagpaalam na ako kina Juan na uuwi na at sinabi kong tatawag ako pagkarating ko sa bahay. Pagkarating ko sa bahay, agad kong tinawagan si Juan ngunit hindi siya sumasagot. Nagtext na lang ako sa kanya na nakauwi na ako dahil baka napagod ito. Nagdaan ang mga araw na hindi ko na nakakausap si Juan kahit sa text man lang. Kaya nagpasya akong pumunta ulit sa kanila nang hindi nagpapaalam sa tita ko. Pagkarating ko sa bahay nila Juan, nadatnan ko ang kanyang ina. "Tita, kumusta na po kayo?" "Okay naman, iha, mabuti naman at napadalaw ka. Nag-aalala na kasi ako sa anak ko lagi na lang nagkukulong sa kwarto at hindi na pumapasok. Maaari bang kausapin mo siya?" "Yun nga rin po ang pinunta ko dito tita kasi nag-aalala na po ako sa kanya." "Sige, iha, punta ka na lang sa kwarto niya." Pumunta ako sa kwarto ni Juan at hindi ko kaagad siya nakita. Pumunta ako sa kanyang banyo at nagulat sa aking nakita. Ang aking mahal! Ang aking mahal ay may sinisinglot na droga. "Ano ba nangyayari sayo, mahal? Ba't ka nagkakaganyan? Itigil mo nga 'yan. Hindi ka ba naaawa sa mama mo? Huh? Akin na yan!!" "Ano bang pakialam mo, huh?" biglang sagot niya na kinabigla ko. " Anong pakialam ko? Bakit Juan? Wala na lang ba ako sa'yo? Pumunta ako dito Juan kasi sobrang nag-aalala na ako sa'yo tapos yan ang sasabihin mo? Tapos gumagamit ka pa ng ganyan. Alam mong mali yan Juan diba?" "So, ano ngayon? Ito na lang ang nagpapasaya sa akin kaya umalis ka na lang dito dahil hindi kita kailangan! Alis!" Parang gumuho ang mundo ko sa sakit ng mga salitang binitawan ng mahal ko. "Hindi ka na ba namin napapasaya ng mama mo? Huh, Juan? Bakit ganyan ka magsalita? Ang sakit sakit na." "Hindi ba mas masakit ang ginawa mong hindi pagdamay sa akin sa mga panahong kailangan kita?" "Pumunta ako Juan. Dinadamayan kita pero ikaw ang hindi marunong makiramdam!" "Pumunta ka nga pero huli na at hindi na kita kailangan." "Ang sakit mo naman magsalita Juan. Nahuli lang akong dumating tapos ganyan mo na ako itrato. Akala ko Juan, naiintindihan mo ako. Alam kong masakit ang punagdadaanan mo pero sana naman huwag kang gumamit ng mga yan. Maawa ka naman sa sarili mo at sa mama mo. Kahit yun lang, magiging masaya na ako kahit ang kapalit ay ang pagkawala mo sa piling ko", umiiyak na wika ko sa kanya dahil hindi ko lubos inisip na dahil lang sa nahuli akong dumating sa piling niya ay hahantong ang lahat sa ganito. "Gusto mo ba talagang mapasaya ako, huh?" biglaang tanong ni Juan na parang may gustong ipahiwatig na kakaiba. "Kung ang kapalit Juan ay ang pagtigil mo sa paggamit ng droga at ang hindi mo pag-alis sa piling ko at sa piling ng mama mo", sagot ko na may halong pag-aalala sapagkat hindi ko alam kung hanggang saan hahantong ang pag-uusap naming ito. Bigla na lamang akong hinalikan ni Juan at humantong ang lahat sa hindi ko inaasahan. Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw ngunit wala si Juan sa tabi ko. Tinignan ko ang cellphone ko at ang daming tawag ng tita ko kaya nagpadala na lang ako ng text sa kanya. Sana naman hindi magalit ng husto si tita sa akin. Pagkababa ko, nakita ko ang mama ni Juan na naghahanda ng pagkain. "Oh, tamang tama, nakahanda na ang pagkain. Halika na dito iha", wika ng mama ni Juan. "Sige po tita. Si Juan nga po pala tita?" "Ay maagang umalis. Hindi ko alam kung saan pumunta. Oh, ayan na pala siya." Bigla akong napatingin sa aking likuran at nakita ang aking pinakamamahal na si Juan. "Magandang umaga, mahal. Halika, sabay sabay na tayong kumain", masayang bati ko kay Juan na agad ding napawi. "Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Wala na akong kailangan sayo kaya umalis kana." Sa pangalawang pagkakataon ay gumuho ang mundo ko. Hindi makapaniwala sapagkat akala ko ay ayos na ang lahat dahil sa nangyari sa amin kagabi. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na halos hindi ko mapigilan humagulhol sa harap ni Juan at ng mama nito. "Ano ba Juan? Bakit ka ba nagkakaganyan? Pati ang kasintahan mo sinasaktan mo. Pumunta siya dito para lang sayo tapos ganyan kang ang gagawin mo", wika ng mama nito. "Tita tama na po. Aalis na lang po ako." "Hindi iha. Sumosobra na si Juan sa ginagawa niya sayo!" "Magsama kayong mga walang kwenta!" ang wika ni Juan na agad pumunta sa kanyang kuwarto. Halos mapahagulhol din sa iyak ang mama ni Juan dahil sa ginawa nito. Hindi ko lubos maisip na mag-iiba ang ugali ni Juan lalong lalo na ang pakikitungo nito sa kanyang ina. Wala na ang Juan na minahal ko ng sobra at ang Juan na mapagmahal ng sobra. Kasama ng pagkalibing ng kanyang ama ay ang pagkalibing din ng mga puso ni Juan. Nagpaalam na ako kay Tita, nagpasalamat at humingi ng pasensya. Sa aking pagalis, muli kong sinulyapan ang kuwarto ni Juan at ang mga ala-alang hindi ko lubos makakalimutan. Paalam aking minamahal na Juan dela Cruz.
"Ang sakit naman pala ng napagdaanan mo sister. Paano niyo naman po ito nalampasan?" tanong naman ni Merna na isa sa mga kasama ko. "Syempre, nagpatuloy ako sa aking buhay", sagot ko. Makalipas ang siyam na buwan ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa amin ni Juan. Halos sobrang naghirap ako sa loob ng siyam na buwan na iyon sapagkat kailangan kong huminto sa pag-aaral kahit graduating na sana ako. Ngunit nawala ang lungkot at paghihirap na iyon ng isilang ko ang aking anghel na si John Julianne. Gusto ko sanang ipaalam ito kay Juan ngunit balita ko na nalulong na ito sa droga kaya hindi ko sinabi sa kanya dahil narin sa pangamba na baka hindi niya rin ito matanggap. Nagsikap akong magtrabaho para sa anak ko at para na rin ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Mahirap man pero kakayanin dahil sa tulong na rin ng aking tita. Nagdaan ang isang taon at sa wakas nakamit ko narin ang diplomang inaasam asam. Nawala ang lahat ng pagod at paghihirap ko ng dahil sa anak ko. Naghanap ako ng trabaho at natanggap din naman ako agad agad sa DSWD at naging miyembro ng isang organisasyong naglalayong ipahayag ang magandang balita ng ating Panginoon. Limang taon ang lumipas at anim na taong gulang na ang aking anak na sobrang bibo. "Mama, turuan mo ako sa asaynment ko", wika ng anghel ko. Pagkakita ko sa notebook nito ay tapos naman na niya ito. "Linoloko mo naman ako ee", pabirong wika ko sa anak ko sabay kiliti sa kanyang bewang. "Mama naman ee. Gusto lang kitang pasayahin, ang sad sad naman kasi ng mama ko ee." "Masaya na si mama kasi nandito ka sa tabi ko. Ikaw lang baby ko, sobrang saya ko na", sabay yakap ko ng mahigpit sa anghel ko. Kinabukasan, pumunta kami sa isang lugar sa Manila para mangaral at hindi ko inaasahan na isa dito si Juan. Tumibok ng sobrang bilis ang aking puso at halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ba akong malaman niya na may anak kami? O natatakot ako sa kadahilanang siya pa rin ang tinitibok ng puso ko? Pagkatapos ng aming leksyon ay agad agad akong pumunta sa aming sasakyan ngunit sadyang pinagtatagpo kami ng tadhana ni Juan. "Julie, kumusta ka na?", tanong ni Juan sa akin. "Okay lang naman ako Juan. Ikaw?" naiilang na sagot ko. "Ito, sa awa at tulong ng Diyos ay nakakapag bagong buhay na ako." "Maganda yan Juan. Sana nakatulong ang aming grupo sa pagbabago mo. Basta huwag mong kakalimutan na may Diyos na handang tumulong at walang sawang magbigay ng biyaya at pagmamahal sayo." "Ee, ikaw Julie, mahal mo parin ba ako?" "Huh?", gulat na tanong ko sa kanya. "Ayy, wala. Julie, patawarin mo sana ako sa nagawa kong kasalan sayo. Alam kong sobrang nasaktan kita ng sobra kaya sana mapatawad mo ako." "Matagal na 'yon. Ang Diyos nga nagawa tayong pagawarin, ako pa kaya. Kaya kalimutan mo na yon. Ang mahalaga ay ngayon. Kumusta na pala si mama mo?" "Ayon, sa awa ng Diyos maayos pa rin ang kanyang kalusugan. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako mauuntog sa kabaliwan ko", sabay tawa nito sa kanyang sinabi. "Ah gann ba. Mabuti naman. Sige Juan at baka aalis na kami." "Julie, pwede ko bang kunin ang number mo?" Nahihiya naman akong hindi ibigay kaya binigay ko na lang. Natatakot man akong malaman niya na may anak kami ngunit alam ko sa sarili ko na baka ito na ang ibinibigay ng Panginoon na pagkakataon na magsisilbing daan upang makilala niya ang anak namin. Halos araw-araw ay nagtatanong si Juan kung saang lugar kami pupunta sa aming panagangaral at lagi din siyang naroroon. "Juan, sumali ka na lang kaya sa aming organisasyon. Palagi ka rin naman sumasama sa amin kaya sumali ka na lang kung guto mo", tanong ng aming isang kasama. "Oo naman para makapaghatid din ako ng inspirasyon sa mga katulad kong nalulong sa droga noon." "Sige, simula ngayon, isa ka nang miyembro sa aming organisasyon." Tuluyan na ngang napasok ni Juan ang aking mundo at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi ang pagkakaroon namin ng anak na si Julianne. Hanggang sa isang araw, sa gitna ng aming pangangaral ay napatawag si Tita na sinabing sinugod si Julianne sa ospital. Agad akong tumakbo at nagulat ang lahat sa aking inasta. Lingid sa aking kaalaman ay sumunod si Juan sa akin. "Julie, bakit anong problema?" Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang pag-aalala ko sa anak ko. Sa sobrang pag-aalala ko ay muntik na akong mahahip ng sasakyan at buti na lang hinablot ako ni Juan palapit sa kanya. "Julie, magdahan-dahan ka nga. Ano ba kasing nangyayari?", muling tanong ni Juan sa akin. "Kailangan ako ng anak ko, Juan. Kailangan ako ng anak natin." Gulat man sa narinig si Juan, sumunod pa run siya sa pagpunta sa ospital. Pagdating namin sa ospital, naiyak na lamang ako sa kalagayan ng anghel ko. Nagulat ako ng bigla na lamang akong niyakap ng napakahigpit ni Juan. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin sa oras na 'to pero alam kong naiintindihan niya ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak pala tayo?", biglang tanong ni Juan sa akin. "Alam kong marami akong naging kasalanan sayo pero hindi naman ata tama na ipagkait mo sa akin na may anak tayo." "Dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan mo lang ulit ako at itakwil mo ang anak natin. Juan okay lang kung ako lang ang itaboy mo pero kapag ang anak natin, ibang usapan na 'yon. Sobrang hirap ng napagdaanan ko ng dahil sayo Juan pero noong dumating ang anak ko, siya ang naging inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay kaya ayokong mawala sa akin ang anak ko." Parang nabuhayan ako ng makitang magising ang aking anak. Agad ko itong niyakap ng mahigpit. "Anak, sobran pinag-alala mo si Mama. Huwag mo na uulitin huh? Mahal na mahal kita baby ko." "Mama, sino po siya? Siya po ba ang Papa ko?" Bigla akong humiwalay sa pagkakayakap sa anak ko. "Oo anak, siya ang Papa mo. Pasensya ka na anak sa ganitong paraan mo pa nakilala ang Papa mo." "Papa!", ang tanging wika nito. Lumapit naman si Juan sa kanya at niyakap ng napakahigpit. "Salamat Papa at nandito ka na. Hindi na malulungkot si Mam. Mahal na mahal kita Papa!" "Mahal na mahal din kita anak ko!" lumuluhang wika ni Juan. Nagulat ako ng biglang may munting anghel na tumatawag sa akin. "Mama! Mama!" wika nito. "Sister, anak niyo po ba yan? Kay gandang bata, manang mana po sa inyo", wika ni Merna. "Ah oo, Julianna, batiin mo naman sina Tita mo." "Hello po. Oh, Mama si Papa oh. Papa!" Sa bukana ng pinto ay nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko. Ang nagbigay kulay sa buhay kong minsan ng nagiba. Sa tulong ng Poong Maykapal, muling tumibok ang puso ni Juan dela Cruz.
"Ang Muling Pagtibok ng Puso ni Juan dela Cruz"

Comments
Post a Comment