Posts

Showing posts from September, 2017

"Programang K-12, Daan nga ba sa Pag-unlad ng Sistema ng ating Edukasyon?" (Sanaysay)

 "Programang K-12, Daan nga ba sa Pag-unlad ng Sistema ng ating Edukasyon?"     Ang kasalukuyang umiiral na sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang K-12 Basic Education Program na pinagtibay ng The Enhanced Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533. Ayon sa Departamento ng Edukasyon, ang programang ito ay naglalayong, una, mapagtibay ang pundasyon ng edukasyon ng mga bata sa Kindergarten. Sa simula pa lamang ng pag-aaral ng mga bata ay dapat matibay na ang pundasyon nito  na kung saan natututo ang mga bata sa pagsulat ng alpabeto, pagbilang, mga hugis, at iba pa. Sa paraang ito, sa murang edad pa lamang ng mga bata ay mabibigyang halaga na ang pag-aaral. Ikalawa, ang pagbabago sa kurikulum base sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Ikatlo, pagiging bihasa sa kanilang sariling wika. Sa unang baitang hanggang sa ikatlong baitang, ginagamit nila ang kanilang mother tongue sa pagtuturo ng kanilang asignatura sapagkat sa paggamit nito mas natututunan at naiintindihan ng m

Ang Muling Pagtibok ng Puso ni Juan dela Cruz (Maikling Kuwento)

Ang kalagayan ng ating bansa sa kontemporaryong panahon ay ang patuloy na pagtuligsa ng administrasyon sa katiwalian. Kung ating susuriing mabuti nandyan ang kaliwa't kanang pambabatikos sa mga kapulisan at sa mga taong lulong na sa droga. Ang operation tokhang na kung saan ang mga taong napagalamang gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay sadyang pinaparusahan ng pagkakulong o di kaya naman ay sinisentensiyahan ng kamatayan sapagkat dahil sila'y nabigyan na ng babala ay patuloy pa rin ang paggamit nila ng ipinagbabawal na gamot. Nariyan din naman na ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ngunit muling bumalik sa tamang landas ng daan dahil sa tunay na pag-ibig, pag-ibig ng lumikha at pagibig ng kapwa. "Ang Muling Pagtibok ng Puso ni Juan dela Cruz" "Sister, ano po ba ang napakalaking pagsubok na dumating sa inyong buhay?" tanong ng ginang na isa sa aking pinapangaralan. Ako'y biglang natahimik at natulala sapagkat aking naaalala